Thursday, February 12, 2009

I ♥ Food

When somebody introduces herself and says she is a Capampangan, unang itatanong nila "So magaling ka pala magluto?". Hindi iyon applicable sa lahat ng babaeng Capampangan. Take for example me, hindi ako marunong magluto not until I came to New Zealand. My mom was even questioning my ability to cook and how could I feed my husband when we migrate here.

Actually, kahit hindi ako nakapagpractice masyado magluto sa Pilipinas,pero mahilig akong manood ng food channel dahil gusto ko na matikman ko yung mga iba't ibang masasarap na pagkain. Ang mga una kong niluto dito, sinigang, nilaga, adobo... Yung adobo, dito ko na sa New Zealand first time ko maluto sa tanang buhay ko. Madalas din akong magluto ng mga imbentong pagkain. Kagaya kunwari, gagayahin yung lasa ng korean beef barbeque na nakain ko sa Kimchi (SM foodcourt), beef steak with gravy and mash potatoes and spicy beef strips with capsicum. My husband is the judge, he definitely tells kung masarap o hindi masarap, and says whats wrong with it in a nice way. Hanggang sa nasabi ko na sa sarili ko na marunong na pala ako magluto.

August 2008, my daughter started going to kindy. Sa kanya ako nahilig mag-bake, because almost everyday they bake something at the kindy. I started with baking muffins, scones and cookies. Then came the hard part, which is making ensaymada na request ng husband ko. It uses yeast which is really unpredictable, because you don't know if it will rise or not. Two times akong pumalpak sa ensaymada ko. But at the third time, I said to my self, pag hindi pa rin umalsa, hindi na talaga ako gagawa ng ensaymada. I had asked help from a blogger who loves cooking and baking and she is from the US, salamat at naging successful. And up to now, every week I bake and try some new stuff. Just today, I tried baking garlic naan bread. I paired it with my imbentong Indian food kuno, which is ginisang kalabasa and brocolli with curry and coconut sauce. I didn't expect my 5 year old son to like it kasi as Filipinos hindi natin masyadong ginagamit yung curry. Pero himala, nagustuhan nya.

And how could I say that I really love food? My dream is to travel to many places, and in travelling these places, I dream of eating the specialties of these places. In Italy,authentic pizza and truffles ; Maine,USA, lobsters cooked in different ways; USA, popular ice cream places and hotdogs; China, chicken cooked inside a clay; Singapore, chili crabs and more.....

Sana nga matupad, kasi nakakagutom mag-imagine... :-)

2 comments:

Kiwipinay said...

pareho tayo, sis. ako dito na lang din natutong magluto. pero hats off ako sa yo. nakagawa ka na pala ng ensaymada. kinakarir ko rin yan. pero for the meantime, pahingi muna. nyahahahahaha!!!

cindy said...

te kiwi,
uy, thanks... sayo ko nga nakilala si baby rambutan sa mga links mo, sa kanya ako nagpaturo sa ensaymada. kahit sa mga blogs, aside from you and ate jinkee, ang mga visit ko, food blogs from your links. next time pag nagluto ako paalam ko sayo para matikman mo. gumawa na din ako ng siopao, doughnuts and pizza which all involve yeast. eto pala, upcoming is pandesal. word of caution pala, i may be able to bake them and they taste good, pero presentation side, hindi magaganda yung mga gawa ko, that i really have to improve on.:-)