Sunday, February 8, 2009

Maala-ala Mo Pa Kaya




Nung magpunta kami sa New Zealand ng hubby ko, we left the kids in the Philippines. I would like to reminisce the stories that my in-laws told me about the kids nung time na wala kami... Ben was 4 years old and Ann was 3 years old at that time...

Story no. 1. We decided not to bring my kids to the airport with us instead they were brought to SM, baka kasi hindi kumawala sa amin. We thought it was much better, pero hindi pala. When they went back home na wala kami, simula nun, ayaw na ni Ben umalis ng bahay, ayaw ng gumala, kasi daw baka bumalik daw kami, at wala sya sa bahay... Grabe, nadurog ang puso ko...

Story no. 2. At the pc, may screen saver which is a collection of our photos. One time my mother-in-law caught my son, kissing my photos on the monitor.

Story no. 3. Ben and Ann talking. Ann: Kuya, nami-miss mo ba si mommy at daddy? Ben: Oo. Ikaw nami-miss mo din sila? Ann: Oo miss ko din.

Story no. 4. Ben and Ann talking again. Ann: Kuya, love mo ba ako? Ben: Hindi, kasi miss kita... (Huh, gulo ng usapan nilang magkapatid no?)

Parang kailan lang yun, and I'm so glad, nadala na namin sila dito... I hope when they grow up, they still love us the way they do right now... They are such sweet children.... Thank you Lord for my kids...


8 comments:

Kiwipinay said...

nakakadurog nga ng puso. na-touched ako sis. wala akong anak pero ramdam ko ang nararamdaman mo. it proves kung gaano kaganda ang upbringing ng parents sa kids nila. and im sure, dala-dala nila pa rin yan hanggang sa pagtanda nila. im happy for you. (naiiyak ako!)

cindy said...

te kiwi,
ako nga din naiiyak, pag nagrereminisce ako eh. lalo nung nandito kami sila nandun, araw araw ang iyak ko, sakit talaga sa puso. sana mapalaki namin sila ng maayos ng tuloy-tuloy. saka yung mga byenan and sis n bro in laws ko, puro mababait, kaya kahit naiwan sila dun, maganda ang pagpapalaki nila... thank you...

Romesez said...

The mere fact that you blog about them is evidence enough of how much you truly care and love them. Should this blog lives on forever, leave it open for them, until one day, they learn to read it.
Emu papakalingwan ing pamanyiklaud gamat a akagisungan tamu at kaugaliang cafamfangan. God bless pu!

Nick Ballesteros said...

I guess that is also why, kahit na malaking sugal, we brought our son along. Four months na kami dito sa Wellington and this is my third week at work. I cannot imagine not having my family here with me... baka napauwi ako ng di oras sa Pinas noong Pasko...

jinkee said...

I remember the first time we met. Feel na feel ko yung heartache mo for not being with your kids. Part yon nagpasa-sakripisyo para sa pamilya. cheers :)

cindy said...

romesez,
yes definitely love my kids. taga nukarin ka kekatamu? aku taga sta.rita saka lubao la reng pengari ku...
watson,
iba pa rin talaga pag kasama ang pamilya. kahit anong pagsubok, kakayanin kapag kasama natin sila..
te jinkee,
buti na lang finish na yung time na iyon, masakit eh...ngayon happy-happy na tayong lahat....

Romeo Arenzana said...

Nakakaiyak naman kwento mo. Di bale happy ending naman, magkakasama na kayo ngayon di ba. I remember when I was a kid, lagi kaming umiiyak pag nagku-cursillo sila Erpats and Ermats. It's funny how you remember the most awful and happiest moments growing up.

cindy said...

@romeo
yes, i think tumatatak talaga ang mga happy and sad memories natin nung mga bata pa tayo. and the not so good memories, we can get some lessons from them and help raise our kids to be better people..