Monday, January 25, 2010

Easy Fish Cake

Nung bata pa kami, madalas na may nabibiling maliliit na isda sa palengke ang tawag ay dulong. Naalala ko, ang gagawin ng Mama ko, lalagyan nya ng itlog, harina, bawang, paminta at asin, at ipiprito sa mantika.
Dito sa New Zealand may ganung version sila, ang tawag ay white bait, na napakamahal, $10 per 100 grams. So naisip ko canned tuna na lang gamitin ko.. To make it appetizing for my kids, I've named it fish cake.

Eto ang recipe...

Fish Cake

2 cans 185 g sandwich tuna drained
4 cloves garlic chopped
1 small onion chopped
3 eggs
3 heaping tablespoons flour
1/2 tsp. salt
pepper to taste

Mix all the ingredients well. Heat oil in a pan. Put about one heaping tablespoon of the mixture, to make discs big enough to be more than bite size pieces.
Yummy to pair with a dipping sauce made up of vinegar, fish sauce, chopped garlic and pepper....

Tuesday, January 12, 2010

Ano Ba Talaga Kuya?

Nakakalito ano po, nung mataba ako, lagi akong sinasabihan, "Ang taba-taba mo, magpapayat ka, hindi mo bagay ang mataba, pangit tingnan" Ngayong pumayat na ako, sabi naman nila "Sobrang payat mo naman, ang pangit mo" Siguro pangit nga talaga ako... :-)

Sometimes I just want to cover my ears and not listen... Ano kaya ang solusyon kapag sinabihan ka ng ganito? I remember Christina Aguilera's Song Beautiful...which says "You are beautiful no matter what they say, words can't bring you down"

Totoo naman eh, no matter how we look, If we feel beautiful, that's enough... What's important is what's inside... Peksman....

The Truth Hurts

Have you ever experienced not wanting to attend family reunions and get togethers with your former schoolmates? Yes I did, before... I always dread attending these type of gatherings, kasi I know somehow, that most of my relatives would say "Ang taba-taba mo", "Napabayaan ka yata sa kusina" or your classmates would say "Tumataba ka ata".

Hindi naman ako dating mataba, but when I became one, I felt how much it hurts when somebody says the truth. Idagdag mo pa na sabihin nila na ang pangit mo pag mataba ka, parang dinurog na nila ang puso ko. Nananawagan sana ako sa mga madalas magsabi nito sa mga kamag-anak nila o sa mga kaibigan nila, na huwag nyo na po sana sabihin, kasi masakit. Yun taong mataba, alam na nya na mataba sya, hindi na kailangan sabihin sa kanya. Minsan nga nakakadagdag pa yun sa pagtaba, kasi kapag na-depress ako pag sinabihan ako ng ganun, I usually resort to more eating. Para sa akin, kung maganda yung pagkakasabi and they said it out of concern for my health, maluwag kong tatanggapin.

Pumayat na ako ngayon, but there is always a possibility na tataba ako ulit. Since na-experience ko na maging mataba, I have respect for those people who are overweight. Minsan hindi nila yun ginusto, nasa genes nila, or from what I've read people who are trying hard to lose weight, but don't lose any even after exercise and having a balanced diet, may have hormonal problems which prevent them from shedding weight.

Pakiusap po, before you comment on someones appearance, think twice. Your words have a huge effect on them.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon

I hope you all enjoyed the holidays... As we did... Lots of eating and lots of chatting with friends which we now call our family....